Nagmimistulang napaka-makasarili ko naman. Kadalasan, ang iniisip ko lang ay ako. Ano ano ang ikasasaya ko, anong mga ambisyon ko. Siguro nga madalas, iniisip ko din ang pamilya ko. Ngunit napakadalang ng mga pagkakataong iniisip ko ang kapakanan ng iba.
Ngayong mayroon akong pinagdadaanan, pakiramdam ko binagsakan ako ng langit. Wala kung ikukumpera sa paghihirap ng iba ngunit napakabigat sa puso.
Nung nag-aaral pa ako, inaalay ko ang oras ko upang magturo at tumulong sa mga batang nag-aaral sa pangpublikong eskwelahan; Sa una, isang requirement lamang ito ngunit nang lumaon ay ginagawa ko nalang dahil nakasanayan ko na at para punan ang mga araw na wala akong planong gawin. Iniisip ko na ang pagkakawang gawa ay para matulungan ang mga nangangailangan dahil dapat magpasalamat ako na may ina ako na nagsasakripisyo para lang makapag-aral ako sa pinakatanyag na unibersidad sa bansa kaya ninais kong maituro ang mga alam at kaya ko. Tuwing pagkatapos ng sesyon sa pag-aaral kasama ang mga studyante, nagpapaalam sila sa akin at nagpapasalamat. Ngumingiti nalang ako at tumutungo.
Ngunit ngayon, iniisip ko, dapat pala ay ako ang nagpapasalamat sa kanila. Dahil sa kanila ko natututunan kung paano maging matatag, kung pano maging masaya sa kung ano ang meron at kung ano ang ngayon, at higit sa lahat kung paano magpursigi kahit na gaano kahirap ang pinagdadaanan at gaano pa man kabigat ang puso mo. Sa kanila ko natutunan kung paano gamitin ang inspirasyon at libog upang malampasan ang kahit ano pa mang pagsubok sa buhay.
Sa mga taong naging inspirasyon ko, maraming salamat.